Happy Times Today

99.9% Removes Internet Boredom

Megumi Entirely (Chapter 1): Nice Guys Finish Last


“Ingats. Haha! :)”

 

Parang weirdo lang ba? Makapaglagay lang ng isang text message ng babae eh ‘no? Pero makinig muna kayo, hindi yan yung point ng message na yan. Anlaki kasi ng simbolismo niyan para sa akin eh. Maaaring kayo, naiisip n’yo na timang ako pero sa totoo lang, timang nga ako. Timang sa pagmamahal

Akalain mo naman kasi, na pagkatapos ko mabasa yang mensahe na yan sa celphone kong never nakakaalala ng pangalan, ay naramdaman ko na may pagkukulang nga sa aking puso. Aba, hindi naman ako poknat, tanga at manhid para itago pa sa mismong sarili ko ang nararamdaman ko sarili ko. Psychological problem na yun! Self-incrimination, travesty! Sorry, masyado akong nalulong sa PGC (Politics, Government and Constitution, oo subject yan sa course ko.) Ah nga pala, kwento ako ng kwento hindi ko man lang nga pala nasabi ang aking napaka-bentang pangalan.

Itago niyo na lang ako sa pangalang Mario. Super Mario. Pede rin Lupin III o Hamtaro pero hindi ‘to gag show. at hindi kailan man ako mapapasa sa isang 8-bit na laro kaya pakitawag na lang akong Koko. Yeap, pede n’yong dagdagan crunch kung masaya kayo pero Koko nga talaga pangalan ko. At feel free kung gusto n’yong dagdagan ang mas marami pang nickname na nalagay katabi ng pangalan ko. Hindi ako mababanas. I don’t bite. Hoho~

Sabi ng marami, nice guy daw ako. Don’t get me wrong, maganda yung reputasyon ko bilang nice guy pero ano nga bang nararating ng mga nice guy? Maraming kaibigan. Check. Kilala ng lahat. Check. Patawa, sarap kasama, lahat ng outing, nanlilibre (kahit papano!). Check. Boyfriend material? Diyan tayo magkakaproblema. Iba kasi talaga ang heart-throb, malakas ang appeal at mambola sa binigay na pagmamahal ng isang nice guy. Madalas kasi, naiisip ng tao na normal lang ang nagagawa na iyon ng isang nice guy. Na nasa kanya na talaga yung infinitely kind words effect na ‘yon ng ‘di man lang naiisip na iyon pala ang paraan ng panliligaw nila. Sad as it may seem, nice guys finish last at least diyan sa usapang jowa’t makakasama habambuhay. Kawawa naman kaming mga torpe, nauunahan ng mga matitigas na pangang lalake. Alam ‘nyo yan!

Anyway, balik tayo sa storya ko. Pagkatapos kong mabasa ang text na yoon sa aking blue na celphone, lumingon ako sa harap ko. Alam mo yung nakita ko? Isang babaeng mawawala nanaman sa kamay ko. Ang masama pa doon, wala akong nagawa. Except kumain ng dirty ice cream pero hindi yun yung point! Ang point dito eh wala nanaman akong ginawa. Tinitigan ko lang siya habang palakad siya papunta sa destinasyon niya… Pero ano bang magagawa ko? Hindi pa kami para ihatid ko siya at hindi pa kami para takbuhin ko siya at sabihing ayoko siya iwan. I guess, para ito sa ikabubuti lahat. Minsan kasi talaga, bawal mong isiksik ang sarili mo sa isang pwesto dahil maaari kasi hindi lang ikaw ang masaktan, pati pa siguro yung sisiksikan mo.

Nga pala, yung nagsabi ng “Ingats. Haha :)” ay kapatid siya ni Gumi. Kala n’yo siya ‘no? Mali kayo, belat hanggang birthday n’yo! Kasama din kasi siya namin nung araw na yun. Gumala kami, nag-usap at yung mga karaniwang ginagawa ‘pag trip n’yong lumabas na magbabarkada. Pero, hindi naman galang-gala, as I’ve said, kakakita ko lang ulit sa kanila pagkatapos ang labindalawang taon! Alangan naman magpa-party kami at ala una na ng susunod na araw umuwi. Hindi kasi minors eh. Hindi din kasi papagalitan. At mas lalong hindi mauubusan ng pera.  Kaya halos tatlong oras lang kami nagkwentuhan. Hindi man lang kami umabot ng alas tres ng hapon. Dapat pala tumambay nalang kami kesa gumala, nagdamit pa ako ng maayos (oo, maayos na sa aking yung shorts at puting t-shirt. Hanep, ‘di pambahay). Siguro kung tumambay nalang kami, mas na-glance ko pa ang ever beautiful gaze ni Gumi. Pero baka matunaw siya kaya ‘wag na lang. I take that back

Sa mahigit kumulang na tatlong oras na nakausap ko si Gumi at ang kapatid niya, isa lang ang napagtanto ko besides na matanda na ako. Ang daming nawala sa akin. Isa na dun ang oras na dapat kasama ko si Gumi. Kaya’t ngayon ‘di ko na siya papakawalan ulit. At kung dati’y ‘di ko siya napansin, sisiguraduhin kong ‘makakaligtaan muli.

(Isinulat ni Ginoong Mikko Hicarte)

One comment on “Megumi Entirely (Chapter 1): Nice Guys Finish Last

  1. sheenahsaliseilustrisimo
    June 20, 2013

    Reblogged this on ilustrisimosheenahsalise.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 9, 2013 by in Megumi Entirely and tagged , , .

Happy Times Stats

  • 138,587 Happy Readers
Unbreakable

Karbun: The Sixth, the Base, the Diamond.

ilustrisimosheenahsalise

The greatest WordPress.com site in all the land!

Battle Studies

Every Hero Was Once a Rebel

like reading on trains

a boy reading in a packed train crowd

DCMontreal: Blowing the Whistle on Society

Eclectic social commentary with a chuckle and maybe a sting in the tail

%d bloggers like this: