Happy Times Today

99.9% Removes Internet Boredom

Student Blues 2013: Memories of First Year


Ito na ata ang taon na pinakamabilis na lumipad sa akin. Ibig sabihin, ito ang taon na wala akong napala o wala man lang nagawang marangal para sa sambayanan at sa komunidad ng Pamantasan ng Sangkarlos. Pero meron din naman na masasabi ko na may kabuluhan na nagawa sa sarili at sa iba. Sa pagtatapos ng taon, nawa ay may natutunan man lang ako. Tulad ng paggalang sa sariling batas na bawal ang Filipino articles sa wordpress blog ko.

 

January

Unang sabak sana sa pakikipag-date sa college. Palpak. Failure. Slap in the face. Inaya ko siya na makipag-date sa akin sa Sinulog. Double date sana kami kasama ang isa pang tandem sa aming Department. Apat na araw na lang bago ang Sinulog ay nag-back out siya. Now talk about bullshit. Pero sige lang, atlis, nakatipid ako at hindi nasunog ang balat ko sa Sinulog. Yun din ang senyales na dapat bumitiw na ako sa panliligaw sa kanya. Panahon para isara na ang isa pang kabanata sa buhay ko. 

February

Ang buwan na una akong sumalang sa tunay na Economics. Inatasan kami ng aming mabait-pa-noon na department na kaming pitong estudyante ang siyang magsilbing kalahok ng USC sa kauna-unahang Economics Leaders Congress ng De La Salle University. Lumikha kami ng papel na isusumite namin para pag-aralan, pag-debatehan, at gawing panakip sa mga tinapa kung sakaling pumalya. Hindi naging madali ang buhay sa makati dahil binook kami ng isang napaka-prestihiyosong pamantasan sa isang mala-motel na hotel. UST ang nagwagi sa palahok, may natutunan kahit papaano, natulog sa lapag ng motel na hotel, napuyat, nakipagkita sa mga kapwa Bedista, at nanggulat ng mga pinsan. Overall, stress siya.

March

Ang defining month ko sa Economics Society. Dito ay napili ako ng mga aking fellow future economists na ako ang magsilbing auditor ng society. In short, taga bilang ng boto sa susunod na election. Eto din ang birthday month ko at napaka-exciting ng naging kaarawan ko dahil sinira ng mga kaibigan ko. Absent ang isa, nagsi-uwian, may pa conservative gagoism, at killjoy ang iba. Kaya Lara Garcia at Julienne Dacumos, mga faker kayo (with feelings). At dito nagwawakas ang pagiging first year College student ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 31, 2013 by in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , , , .

Happy Times Stats

  • 138,587 Happy Readers
Unbreakable

Karbun: The Sixth, the Base, the Diamond.

ilustrisimosheenahsalise

The greatest WordPress.com site in all the land!

Battle Studies

Every Hero Was Once a Rebel

like reading on trains

a boy reading in a packed train crowd

DCMontreal: Blowing the Whistle on Society

Eclectic social commentary with a chuckle and maybe a sting in the tail

%d bloggers like this: