Happy Times Today

99.9% Removes Internet Boredom

UPCAT Massacre

Mag-dadalawang taon na ang nakararaan nang i-troll ako ng Unibersidad ng Pilipinas sa pagkuha ng Entrance Exam. Ikukwento ko ulit ang kamatayan ng ambisyon kong maka-pasok sa Peyups.

Isinulat: August 11,2011

———-

5:45 AM pa lang ng Sabado, ang araw na kukuha ako ng examination para makapag-peyups para matutong mag-rally at mag-oblation run. Review ako ng review, umabsent pa ako dahil lang asikasuhin ang Application Form ko at gumala sa Ayala. Lahat na ginawa ko maliban sa paglaslas ng pulso para lang makakuha ng test permit. Minsan gusto kong mag-alay ng dugo ng bata sa riles ng tren kaso naalala ko na wala palang tren dito so wala ding riles. Syempre, inexpect ko na duguan akong lalabas after ng UPCAT dahil sa Math, Science, at sa marathon.

Syempre naaalala ko ang mga sakripisyo ko para sa UPCAT. Mga hirap at sakit na inabot ko para magpatugtog ng Beatles Songs. Pero may bigla ngayong sumagi na tanong sa isip ko at alam ko iibahin nito ang pananaw ko sa mundo.

Ilan ba ang paa ng dolphin?

Bumalik na lang tayo sa punto ko. Eh dahil mga pagano at mababagal ang mga tauhan ng Post Office at ultimate sa galing gumawa ng alibi ang mga taga-UP Office of the admissions, WALA AKONG TEST PERMIT! Sinabi nila pwede naman daw mag-take. Basta dalhin mo sarili mo at resibo para maging ebidensya sa nakawan na nangyari sa isang PNB Branch dito sa Cebu. Sa Arts & Sciences Bldg. ko daw makukuha TEST PERMIT ko. Sa sobra kong saya ay mapapagamit ako ng exclamation point!

Pero insulto

 nang-insulto (taga-UP):

Sorry po pero nakalagay sa listahan na:  “Not eligible to take the UPCAT (PEPT) Wala pa kasing almusal”

ininsulto (ako): *sa isipan* ilan ba paa ng dolphin?

 nang-insulto: nandyan po ba ang inyong grade sa PEPT?

 ininsulto: naiwan. *sa isipan* gago kailangan ko ba yun?

 Ang sumunod ay isang suspense na pagtatalo

……….

So uwuwi kami ng papa ko pabalik sa bahay namin para kunin ko ang “Form 137” ko. Pero wala ng time para ihabol ako sa morning sessions. Sa hapon na siguro ako. Basta maisampal ko lang daw yun sa kanila, makaka-take na ako.

10:27 AM

Back to Peyups Sugbo again! Dinala ko na ang lahat mula sa PEPT Grades ko (137) hanggang sa resibo ng mga binili kong mga CD.

10:34 AM

Hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa kotse. Hindi ko na alam kung paano tatalikuran ang hinihintay ko. OO di ako nakapag-test. HINDING-HINDI NA. Di ko naman hinahabol yung resulta. Ang gusto ko lang ay ang maranasan kung ano yung nararanasan ng mga seniors. Sabi nila ito ang quiz bee ng lahat ng seniors na magte-take.

Isang beses lang sa buhay ko ang mabuksan at ivandal ang test booklet para sa UPCAT. At yun ay never ko nang magagawa. Ang baho kasi ng feeling na mamamatay ka na hindi ko maisasagot ang mga tanong sa exam at kung meron ba talagang paa ang dolphin.

Mabuti na lang at nandyan ang papa ko para i-comfort ako sa mga uplifting words nya about State. Katulad ng:

“Pangit naman UP Cebu eh”

“Mga graduates dyan di marunong mag-english”

“Mga UP Cebu grads 5 taon ng naka-grad pero di parin makapasok sa mga trabaho”

“May ibinagsak na akong UP Cebu graduate”

Nung 2010 dehins ako makapag-exam kahit apat na beses na akong pabalik-balik sa UP para kumain ng isaw at goto. Wala akong 137 at yun ay importante.

Ngayon namang 2011, di ako nakapag-exam dahil may form 137 ako. Kaasar na ewan. Pero di talaga gusto ni God. Oks lang.

Atlis may spam sandwich ako. Bwisit di ko naman kawalan.

The End

———

Nagpapasalamat ako sa U.P. dahil itinaboy nila ako sa pamantasan nila. Masaya na ang buhay ko sa USC, mababait ang mga guro, at kontento sa naging takbo ng buhay ko.

( 2013 Update: Sa 2014, maghihiganti ako sa inyo U.P. Happy Times sa inyo )

 

(UPCAT) (1) (2) (3)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Happy Times Stats

  • 141,314 Happy Readers
%d bloggers like this: